Pagtatapos ng operasyon sa Marawi, malapit na
SINABI ng Malacanang na totoo ang balitang napaslang na sina Omar Maute at Abu Sayyaf sub-leader at sinasabing ISIS Emir sa Timog Silangang Asia na si Isnilon Hapilon.
Gagawin ng Malacanang ang pagpapahayag na pagtatapos ng military operastions sa oras na maubos na ang terorista, madakip o mapaslang ang nalalabing mga tauhan. Gagawin rin ang pahayag matapos maalis ang mga iniwanang improvised explosive devices.
Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kasunod ng pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
1 2 3