Welga ng mga kasapi ng PISTON, tagumpay; LTFRB nagsabing walang epekto ang welga
SINABI ng liderato ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) na paralisado ang 90% ng Metro Manila at ilan pang bahagi ng bansa sa ginawang welga.
Sinabi ni George San Mateo, 90% ang epekto ng welga sa CAMANAVA, Novaliches, Makati, Paranaque, Zapote, Anda Circle, Litex, Ramon Magsaysay, Marikina, Manila at Cubao. Nadama rin ang epekto ng welga sa Laguna, Baguio, Davao, Nueva Vizcaya, Pampanga, Rizal, Bulacan, Albay, Camarines Sur, Masbate, Butuan City, General Mariano Alvarez, Cavite. Surigao City at Cebu City.
Sa kabilang dako, sinabi ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na walang epekto ang welga sapagkat hindi naparalisa ng PISTON ang iba't ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Atty. Aileen Lizada, nagpalabas sila ng 17 sa 78 emergency vehicles. Wala umanong tigil-pasada sa La Union, Ilocos, Tuguegarao, Ilagan, Cauayan, Santiago City, Batangas, Bicol, Iloilo, Zamboanga at Cordillera Administrative Region.
1 2 3