|
||||||||
|
||
Paggalang sa bawat bansa mahalaga para sa kapayapaan
NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kasama sa ASEAN at sa tatlong dialogue parterns na kinabibilangan ng Tsina, Japan at South Korea na magtulungn at payabungin ang nakamtan sa nakalipas na 20 taon.
Malaki ang nagawa ng ASEAN Plus Three, ani Pangulong Duterte. Binati rin niya ang pinakahuling dagdag sa dialogue partners na si South Korean President Moon Jae-in.
Ayon kay Chinese Premier Li Keqiang, nabuo ang ASEAN Plus Three ng maganap ang Asian Currency Crisis noong 1997. Tumugon ang mga bansang kabilang sa ASEAN at ang tatlong dialogue partners at nagkaisa sa pagpapatibay ng ekonomiya ng rehiyon.
Idinagdag pa niyang gumaganda ang ekonomiya ng daigdig kasabay ng paglago ng pandaigdigang kalakal at investments.
Gumaganda rin ang relasyon ng Tsina at Japan at ng Tsina at South Korea at ang lahat ng mga ito'y nagpapakita na magandang pagkakataon tungo sa kaunlaran.
Inamin din niya na may tila kakaibang larawan ang nagaganap na pagbawi ng ekonomiya ng daigdig sapagkat may nagsusulong ng globalization at mayroon ding protectionist approach sa kalakal.
Umaasa si Premie Li na magkakaroon ng mga kasunduan sa pagitan ng ASEAN at tatlong ekonomiya sa Asia sa pamamagitan ng regional integration at magkakatotoo na rin ang East Asia Economic Community.
Sumangayon naman si Japanese Prime Minister Shinzo Abe na malayo na ang narating ng ASEAN Plus Three mula ng itatag ito 20 taon na ang nakalilipas.
Sa pagkakaroon ng protectionism at pangsariling pananaw sa kalakal, kailangang higit na magtulungan ang ASEAN Plus Three.
Sa larangan ng food security, sangayon ang karamihan sa mungkahi ng Tsina hinggil sa pagkakaroon ng inimbak na pagkaing magagamit sa oras ng kagipitan.
Nanawagan din siya sa mga bansang kabilang sa ASEAN at maging sa Tsina at South Korea na alisin na ang mga pagbabawal sa mga pagkaing mula sa kanilang bansa ayon sa pinatunayan ng mga pagsusuri at pag-aaral ng mga siyentipiko. Anim na taon na rin ang nakalilipas mula ng yanigin ng malakas na lindol ang silangang Japan.
Ikinatuwa ni Pangulong Moon ng South Korea na makasama sa ASEAN Plus Three. Sa kanyang pahayag, sinabi ng pangulo ng ang mga bansang ASEAN at ang Korea, Japan at Tsina ay katatagpuan na ng higit sa 30% ng pandaigdigang ekonomiya.
Malayo na rin ang narating ng ASEAN Plus Three mula ng itatag ito noong 1997. Kailangan lamang magkaroon ng pinag-isang layunin tungo sa isang komindad na may kapayapaan, kaunlaran at katatagan, dagdag pa ni Pangulong Moon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |