|
||||||||
|
||
20171130TsinaPilipinas.mp3
|
Mga kaibigan, idinaos po kamakailan dito sa Beijing ang 2017 International Industrial Capacity Cooperation Forum (IICCF) at Ika-9 na China Overseas Investment Fair (COIFAIR), at doon ay dumalo ang bagong Commercial Counsellor ng Pilipinas sa Tsina, na si Glenn G. Penaranda.
Nagkaroon din po ng pagkakataon ang inyong lingkod na dumalo sa nasabing pagtitipon at makapanayam si Ginoong Penaranda. Sinabi niyang, ang katatapos na pagbisita ni Premier Li Keqiang sa Pilipinas ay lalo pang nagpasulong sa mga kooperasyong pang-negosyo na nauna nang napagkasunduan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Xi Jinping noong nakaraang taon.
Aniya pa, ang naturang pagbisita ay nagbunga rin ng maraming kasunduang pang-negosyo, at ito'y nagpapakita na malaki pa ang espasyo ng pag-unlad ng relasyon sa larangang ito, ng dalawang bansa.
Idinagdag pa niyang, mula noong nakaraang taon, napakarami nang interes ang ipinakita at ipinakikita ng panig Tsino sa paglalagak ng negosyo sa Pilipinas at ito aniya ay suportado ng mga pinakamataas na lider ng Pilipinas at Tsina.
Sinabi pa ni Penaranda, na isa sa mga kasunduan na napirmahan sa pagbisita ni Premier Li Keqiang sa Pilipinas ay ang kasunduan tungkol sa pagdedebelop ng mga parkeng industriyal.
Sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga ito, mas mahihikayat ang maraming pondong dayuhan na maglagak ng salapi sa Pilipinas dahil sa mas magandang kapaligirang pang-negosyo at preperensyal na kondisyon na ibinibigay ng pamahalaang Pilipino, aniya pa.
Mga kaibigan, ito ay magbibigay ng maraming trabaho sa mga Pilipino
Tungkol naman sa foreign direct investment ng Tsina sa Pilipinas, sinabi ni Penaranda, na di-tulad noong mga nakaraang taon, patuloy na lumalaki ang mga investment na Tsino sa Pilipinas.
Aniya, ayon sa pinakahuling datos noong Hunyo ng taong ito, ang Tsina ang siya nang ika-5 pinakamalaking foreign direct investor sa Pilipinas.
Ito ay lumaki ng mahigit 400% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Sinabi pa niya, na dahil sa patuloy na pagbuti ng relasyon ng dalawang bansa, at patuloy na pagpapakita ng interes ng mga kompanyang Tsino sa Pilipinas, hindi malayong ang Tsina ang maging pinakamalaking investor ng Pilipinas sa hinaharap.
Ganyan kahalaga ang Tsina, dagdag niya.
Sa ngayon, ang Tsina ang siyang pinakamalaking trade partner ng Pilipinas.
Hinggil naman sa katuturan ng 2017 IICCF at Ika-9 na COIFAIR, binigyang-diin ni Penaranda, na bagamat nasa panahon na tayo ng internet at halos lahat ay nagagawa na online, mayroon pa ring mahalagang papel na ginagampanan ang IICCF at COIFAIR.
Sa pamamagitan aniya ng mga ito, nagbibigayan ng pagkakataon ang mga may-ari at ehekutibo ng mga negosyo upang personal na magkakilala at personal na makita ang ilang mga produkto at serbisyo.
Ito aniya ay hindi posible sa mga online na plataporma.
Salamat din aniya sa mga platapormang nabanggit, magkakaroon siya ng pagkakataon ngayong taon na makahalubilo ang mga potensyal na partner sa negosyo ng Pilipinas.
Entrada sa 2017 IICCF at 9th COIFAIR
Glenn Penaranda
Eksibit na pang-enerhiya
Eksibit ng sustenable at berdeng teknolohiya
Eksibit ng bike-sharing app
Eksibit ng drone
Eksibit ng gulong
Eksibit ng pagkaing Muslim
Eksibit pangkultura
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |