|
||||||||
|
||
20170914BagayTsinoII.mp3
|
Gaya ng sinabi natin noong nakaraang episode, ang Tsina ay may sibilisasyong mahigit 3,000 taong kasaysayan. At sa loob ng mahabang panahong ito, naimbento ng mga Tsino ang maraming bagay, pagkain, inumin at kagamitang may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao. Para sa episode na ito ng DLYST, susuriin natin ang mga pagkain at inumin na nagmula sa sinaunang Tsina, na patuloy pa rin nating nakikita o ine-enjoy sa kasalukuyan.
1. Litsong pato/ Kao Ya/烤鸭
Kapag ikaw ay pumunta sa Tsina, kailangang matikman ang litsong pato o Kao Ya.
Ang Kao Ya ay isang kilala at masarap na putaheng Tsino na may 1,600 taong kasaysayan.
Ang awtentikong Kao Ya nililitson sa hurnong ginatungan ng mga namumungang punong-kahoy. Kailangang mahigpit na kontrolado ang temperatura at oras ng pagluluto. Para maging malutong ang balat at malambot ang laman, kailangang ilabas sa hurno ang Kao Ya pagkatapos ng 50 minuto.
Kailangang hiwain sa mahigit 100 piraso ang Kao Ya, ilang minuto matapos itong ilabas sa hurno. Ang bawat hiwa ay may balat at laman.
Ang manipis na pabalat, kutsay, pipino, at iba pang espesyal na sarsa ay ginagamit bilang condiment.
2. Tang Hulu/糖葫芦
Ang mga ito ay prutas ng hawthorn na binalutan ng asukal at paboritong kainin ng mga bata sa Hilagang Tsina tuwing taglamig. Ayon sa alamat, 800 taon na ang nakakraan, may sakit at walang ganang kumain ang isa sa mga asawa ng emperador.
Iniutos ng doktor na pakainin siya ng 10 prutas ng hawthorn na pinakuluan sa kristal na asukal bago maghapunan. Gumaling siya sa loob ng kalahating buwan.
Di-naglaon, ang preskripsyon ay naipasa sa mga pangkaraniwang tao.
Ang mga prutas ng hawthorn ay tinutuhog at isinasawsaw sa mainit na arnibal.
Ang arnibal ay tumitigas na parang kristal, at bumabalot sa ibabaw ng prutas ng hawthorn.
Ito ay masarap at kagiliw-giliw na tradisyonal na meryendang madalas makita sa mga tindahan at kalye.
Ang prutas ng hawthorn ay maasim at ang asukal ay matamis. Ipinapa-alala nito sa mga Tsino ang kanilang masayang pagkabata.
3. Hotpot/ Huo Guo/火锅
Kung naghahanap kayo ng masustansyang pagkain para sa inyong pamilya, piliiin ang hotpot o Huo Guo.
Ang Huo Guo ay may mahigit 1,700 taong kasaysayan sa Tsina.
Para manatiling mainit, pinakukuluan ng mga Tsino ang maninipis na piraso ng karne ng tupa at kinakain.
Kailangang piliing mabuti ang rekado ng Huo Guo.
Limang bahagi lamang ng tupa ang maaring gamitin, at hiwain sa maninipis na piraso para lutuin.
Ang sarsa ay binubuo ng mahigit sampung pampalasa.
Ang mga rekado ng sarsa ng Huo Guo ay sikretong komersyal.
May ibat-ibang estilo ang Huo Guo. Ang mga karne at gulay ay maaring pakuluan sa Huo Guo.
Ang pagsasalu-salo ng pamilya sa pagkain ng karne at gulay na pinakuluan sa malasang sabaw ay napakainam na karanasan sa kasagsagan ng taglamig.
4. Tofu/ Dou Fu/豆腐
Mayroon bang uri ng pagkain na mura, masarap, at masustansya?
Oo. Ito ang Dou Fu ng Tsina.
Mga 2,100 taon na ang nakaraan, isang maharlikang may pagnanais sa imoralidad ang nakapagdebelop ng lahat ng uri ng preskripsyon araw-araw.
Isang araw, aksidente niyang naihulog ang plaster of paris sa gatas ng soya at namuo itong parang puding.
Tinikman niya ito, at nadiskubreng masarap. Ito ang tinatawag nating Dou Fu ngayon.
Ang Dou Fu ay gawa mula sa buto ng soya, na mayaman sa protina.
Maaring iluto ang Dou Fu kasama ng isda, gulay, at iba pang rekado.
Maari rin itong kanin nang di luto. Ang pinakamadaling paraan ay lagyan lamang ito ng kutsay, mantika, at asin.
Ang Dou Fu ay may magaang lasa, masarap, at natutunaw sa inyong bibig. Sa Tsina, ang Dou Fu ay popular. Makikita ito sa alinmang hapag-kainan.
5. Alak/ Jiu/酒
Ang alak o Jiu ay may pambihirang papel sa pang-araw-araw na buhay ng mga Tsino.
Ayon sa mga arkeologo, nagsimulang gumawa ng Jiu ang mga Tsino, 6,000 taon na ang nakakaraan.
Sa loob ng libu-libong taon, walang sawang pinabuti ng mga Tsino ang paggawa ng Jiu.
Kadalasang iniinom ng mga Tsino ang puting Jiu at siyoktong.
Ang puting Jiu ay dinidistila mula sa sorgum at mais.
Ang mga kagamitan sa pag-inom ay nagbago sa pagdaan ng panahon.
Ang mga ito ay umunlad mula sa kopita hanggang sa tasang walang hawakan.
Bilang mahikal na inumin at tradisyon, ito'y naging bahagi ng mga importanteng okasyon, tulad ng kasalan, at kaarawan sa loob ng 6,000 taon.
6. Nudel/ Mian Tiao/面条
Ang nudel o Mian Tiao ay tradisyonal na pagkaing-Tsino.
Ayon sa kasaysayan, mahigit 1,900 taon na ang nakakaraan, ang mga maharlikang Tsino ay nahilig sa pagkaing may habang 30 sentimetro, gawa sa harina at pinakuluan sa tubig.
Sa paggawa nito, hinahalo ang harina sa tubig, ginagawang masa, at hinihiwa ng parihaba; ganito ang paggawa ng Mian Tiao.
Ang Mian Tiao ay pwedeng pakuluan o iprito.
Sa Tsina, ang lasa at proseso ng pagluluto ay nagkakaiba.
Ang Mian Tiao sa Tsina ay kumakatawan sa mahabang buhay.
Kaya, laging may Mian Tiao sa pagdiriwang ng kaarawan ng mga Tsino bilang pagpapahayag ng hangarin sa mahabang buhay.
7. Isda/ Yu/鱼
Ang karakter Tsinong Yu, na nangangahulugang isda ay may mapintog na katawan at bilog na mata.
May kaugnayan ang Yu sa mga espesyal na pakahulugan at alamat.
Ayon sa alamat, may Yu sa Dilaw na Ilog. Gusto nitong talunin ang Tarangkahan ng Dragon, upang ito'y maging dragon.
Subalit, kaunting Yu lamang ang nakagawa nito dahil sa maligalig na ilog.
Ang mga taong may pambihirang naabot sa pag-aaral o negosyo ay laging ikinukumpara sa mga Yu na naging dragon.
Kaya, ang mga karpa, na isang uri ng Yu ay kumakatawan sa kasaganaan sa pamamagitan ng pagpupunyagi.
Ang Yu ay salitang may dalawang kahlugan sa Tsina.
Ang piñtang pang-Pestibal ng Tagsibol na nagtatampok ng Yu ay simbolo ng mariwasang pamumuhay.
Ipinapaalala ng Yu sa mga Tsino ang kasaganaan at mabuting kapalaran.
Kaya, ang mga Tsino ay nag-aalaga ng Yu para magkaroon ng suwerte.
Ang Yu ay produkto ng kalikasan at representante ng pamumuhay ng mga Tsino.
8. Etnikong grupo/ Min Zu/民族
Ayon sa alamat, ang Nasyong Tsino ay ginawa ng isang diyosa. Gumawa siya ng mga imahe mula sa luwad at binigyan niya ito buhay.
May dalawang bayani sa kasaysayang Tsino, ang Dilaw na Emperador at Emperador Yan.
Ayon sa alamat, lahat ng Tsino ay nagmula sa kanila.
Ang Nasyong Tsino ay binubuo ng 56 na etnikong grupo o Min Zu na may natatanging katangian.
Ang mga Min Zu ay nakakalat sa buong Tsina, at may kani-kaniyang tradisyon.
Kabilang sa mga kultural na karakteristiko ay mga awit at sayaw ng mga Uygur, Pestibal ng Pagsasaboy ng Tubig ng mga Dai, palamuting pilak ng mga Miao, at Perya ng Nadam ng mga Mongol.
Ginagamit ng mga Tsino ang salitang "kapatid" upang ilarawan ang kanilang relasyon sa mga Min Zu.
Ang kapatiran ay nangangahulugang maharmonyang pamumuhay kasama ng mga Min Zu tulad ng isang malaking pamilya.
9. Apelyido/ Xing Ming/姓名
Ang mga apelyidong Tsino o Xing Ming ay iba kumpara sa mga panglang kanluranin. Ang apelyido ay nauuna kaysa unang pangalan.
Tinatanong ng mga Tsino ang Xing Ming ng isat-isa sa kanilang unang pagkikita.
Kapag sila ay may parehong Xing Ming, naniniwala ang mga Tsino na 500 taon na ang nakaraan, magkamag-anak ang kanilang ninuno.
Ang pamilya ni Kompyusiyus ay halimbawa ng Xing Ming.
Matutunton ng isang batang lalaki ang linya ng kanyang pamilya sa isang ninunong nabuhay 2,500 ang nakaraan.
Ito'y parang puno. Ang mga dahon, sanga, at ugat ay konektado sa pamamagitan ng Xing Ming.
Mayroong mahigit 20,000 Xing Ming sa Tsina.
Ang sikreto kung saan nanggaling ang inyong mga ninuno, at ano ang ginawa nila ay nakatago sa Xing Ming.
10.Pamilya/ Jia/家
Ayon sa kuwentong Tsino, may isang baboy at dalawang tao.
Ipinasok ng dalawang tao sa bahay ang baboy at magkasama nila itong pinalaki.
Dito nagmula ang karakter Tsinong Jia, na ngangahulugang pamilya.
Sa buhay ng mga Tsino, ang buong Jia ay binubuo ng tatlong henerasyon.
Lolo't lola, magulang at mga anak na magkakasamang namumuhay.
Ang pag-aaruga sa isat-isa, pag-aalaga sa mga bata at pagsuporta sa mga magulang ay mga tradisyonal na birtud ng mga Tsino.
Madali ninyong makikita ang tipikal na Jia ng Tsina saanmang dako ng mundo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |