Kumpanyang Globe, handang makipagsabayan sa kalakal
ANG anumang tlong ng pamahalan na magpapalawak at magpapaunlad ng kasalukuyang pagawaing-bayan sa larangan ng telecommunications na kinabibilangan ng cell sites ang makatutulong sa industriya at sa buong bansa.
Handang sumabay at makipagkumpetensiya ang Globe Telecom sa pagpasok ng alinmang kumpanya na ikahuhusay ng serbisyon sa bansa. Kung ang pagpasok ng bagong kumpanya ang makadaragdag sa cell sites sa bansa, makikinabang din ang mga kumpanyang tulad ng Globe.
Niliwanag ni Bb. Yoly Crisanto, Senior Vice President for Corporate Communications (Globe Telecom) na ang pinakamatinding problema ng mga kumpanya sa pagdudulot na mahusay at mabilis na internet ay ang mga isyung may kinalaman sa "right-of-way" na hadlang sa pagtatayo ng mga bagong pasilidad.
Isa pang problema ang paglalaan ng frequency sa mga kumpanya ay kailangang maayos din upang pakinabangan ng madla ang mga pagbabagong ipinangako.
1 2 3 4