|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
1 mangkok ng breen beans, nilinis at hiniwa nang pa-diagonal sa sukat na 1/2 inch
1 mangkok ng mung bean sprouts, nilinis
10 scallions, tinadtad
3 kutsarita ng vegetable oil
1 kutsarita ng sesame oil
1 kutsarita ng sesame seeds, tinusta
3 butil ng bawang, pinitpit
1 kutsarita ng luya, dinikdik
1 kutsarita ng toyo
1 kutsarita ng pamintang durog
Paraan ng Pagluluto
Initin ang sesame oil at vegetable oil sa kawali at igisa ang bawang at luya. Idagdag ang scallions. Halu-haluin tapos takpan sa loob ng 1 minute. Pagkaraan, tanggalin ang takip at idagdag ang green beans at mung bean sprouts tapos takpan at hayaang kumulo sa loob ng 3 minutes.Tanggalin ang takip, timplahan ng toyo at isama ang sesame seeds. Ituloy pa ang paghahalo tapos ibalik ang takip at hayaan pang kumulo sa loob ng 2 minutes. Pagkaraan niyan, puwede nang ihain.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |