|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
12 nilagang quail eggs o itlog ng pugo, hinati sa apat bawat isa
6 na kamatis, inalis ang parteng ibabaw at tinanggal ang buto
2 kutsara ng shallot, tinadtad
1 kutsarita ng asin
1 kutsarita ng pamintang durog
4 na kutsara ng mayonnaise
Paraan ng Pagluluto
Pagsama-samahin ang hiniwang nilagang quail eggs, shallots, asin, pamintang durog at mayonnaise tapos haluing mabuti. Ipalaman sa bawat kamatis na tinanggalan ng parteng ibabaw. Palamigin sa refrigerator sa loob ng 1 oras. Ihain na kasama ng iba pang putahe na gaya ng manok, karne ng baboy o karne ng baka.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |