|
||||||||
|
||
Melo 20180108
|
Pamahalaan, nanawagan sa Korte Suprema na ibasura ang petisyon laban sa Martial Law
HINILING ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema na ibasura ang petisyon ng mga kabilang sa Oposisyon na nagtatanong hinggil sa constitutionality ng deklarasyon ng isa pang taon ng Martial Law sa Mindanao. Layunin umano ng pamahalaang madurog at masugpo ang mga rebeldeng grupo doon.
Sinabi ng Solicitor General na mayroong sapat na dahilan sa pagpapatagal ng Martial Law ng isang taon sa Mindanao sapagkat nagparamdam na ang mga maka-ISIS na rebelde sa Marawi City noon pang nakalipas na ika-23 ng Mayo. Tumagal ang mga sagupaan ng limang buwan.
Mayroon umanong pag-aaklas sa Mindanao, mayroong rebelyon sa Mindanao at hanggang hindi ito nasusugpo, kailangan ang Batas Militar.
May panganib umano mula sa grupong kaalyado ng DAESH ang Da'awatul Islamiyah Waliyatul Masriq, mga teroristang lokal at mga kasapi ng New People's Army.
Ipagpapatuloy ng pamahalaan hanggang sa pahihintulutan ng Kongreso na mayroong paghihimagsik sa Mindanao at mangangailangan ng pagkilos upang ipagsanggalang ang mga mamamayan, magpapatuloy ang Martial Law at mananatiling suspendido ang writ of habeas corpus.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |