Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamahalaan, nanawagan sa Korte Suprema na ibasura ang petisyon laban sa Martial Law

(GMT+08:00) 2018-01-08 17:18:55       CRI

Special Report
TRAIN-magdudulot ng kaunlaran o ibayong kahirapan?

TRAIN, MAIHAHAMBING SA NAPAKALAKAS NA BAGYO. Naniniwala si Alan Tanjusay (dulong kaliwa), tagapagsalita ng Trade Union Congress of the Philippines na mas maraming tatamaang mahihirap sa bagong sistema ng pagbubuwis ng Duterte administration. Sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat," sinabi ni G. Tanjusay na wala pang liwanag kung anong safety nets ang maipatutupad. Naniniwala naman si Asst. Secretary Leonido Pulido III (gitna) ng Department of Energy na kailangan ang TRAIN uypang matustusan ang mga proyekto ng pamahalaan. Sa panig ni G. Sonny Africa ng IBON, (kanan), nagkulang ang pamahalaan ng staff work upang madaling matupad ang safety nets at maibsan ang kahirapan ng mga karaniwang tao. (Melo M. Acuna)

NANINIWALA si Finance Secretary Carlos Dominguez na ang pinakahuling tax reform package na kilala sa pangalang TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion na nilagdaang batas ni Pangulong Duterte noong nakalipas na buwan ang makatutulong na makadagdag sa koleksyon ng may P 786 bilyon sa susunod na limang taon.

Makatutulong ang halagang ito sa pagtustos sa mga pagawaing-bayan sa halagang P 2 trilyon mula sa original na halagang P 8 trilyon upang makaiwas din sa pagkakautang sa iba't ibang bansa.

Sa isang briefing sa Malacanang, sinabi ni G. Dominguez na umaasa silang makakakolekta ng may P 129 bilyon na katatagpuan ng P 89.9 bilyon mula sa TRAIN samantalang ang nalalabing P 36.9 bilyon ay mula sa itatadhana ng batas ngayong 2018.

Ang halagang malilikom ay magagamit sa pagtatayo ng halos 650,000 mga silid aralan, makababayad ng sahod ng may higit sa 2.5 milyong mga guro at makapagtatayo ng higit sa 60,000 rural health centers o may 500,000 barangay health stations.

Kung hindi tatalab ang tax reforms, magpapasa ang pamahalaan ng bagong batas o magbabawas ng gastos.

Samantala, inihalintulad ni Alan Tanjusay, tagapagsalita ng Trade Union Congress of the Philippines ang TRAIN sa isang Category 5 hurricane o napakalakas na bagyo sapagkat mas maraming mapipinsala kaysa mapahuhusay.

Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni G. Tanjusay na sa pagtaas ng presyo ng gasolina, tataas na tiyak ang halaga ng mga bilihin at tatamaan ang mga walang trabaho, ang mga minimum-wage earners at mga underemployed.

May higit sa dalawang milyong kasapi ang TUCP mula sa manufacturing, services at agriculture sectors sa buong bansa.

Samantala, sinabi ni Sonny Africa, executive director ng IBON, nagdududa siyang makabubuti ang Build, Build, Build program sapagkat karamihan ng mga proyekto ang nasa National Capital Region, CALABARZON at sa Central Luzon. Mumunti umano ang mga pagawaing-bayan sa Visayas at Mindanao. Kakakatiting ang mga pagawaing-bayan sa mahihirap na rehiyon tulad ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang 60% ng pinakamahihirap sa bansa na kumikita ng P 5.000 hanggang P 10,000 bawat buwan ang mawawalan ng P 650 hanggang P 1,900 sa bawat taon dahil sa mga bagong buwis na ipapataw ng TRAIN.

Hindi malaman ni G. Tanjusay kung saan kukunin ang P 200 subsidyo para sa mga mahihirap sapagkat 'di ba batid kung anong ahensya ng pamahalaan ang pagkukunan nito sapagkat 'di naman kasama sa General Appropriations ng pamahalaan ngayong 2018.

Samantala, sinabi ni Energy Asst. Secretary Leonido Pulido III na maglalabas ang pamahalaan ng P 200 subsidyo para sa mga tsuper ng pangpublikong sasakyan bawat buwan. Hindi lang nababatid pa kung anong ahensya ang maglalabas nito.

Naniniwala si G. Tanjusay na kung hindi magtatagumpay ang programang ito, mababawasan ang popularidad ni Pangulong Duterte sapagkat tatamaan ang mahihirap sa bansa.

Sa panig naman ni G. Africa, naniniwala siyang kulang ang staff work ng pamahalaan sapagkat naipatupad na ang batas subalit wala pang kaukulang programa upang maibsan ang matinding dagok na makakamtan ng mahihirap sa bansa.

Samantala, naniniwala naman si Asst. Secretary Pulido na kung magtatagumpay ang mga programa ni Pangulong Duterte, tiyak na higit na lalawak at gaganda ang kanyang popularidad.


1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>