|
||||||||
|
||
Mambabatas, humiling ng dagdag na isang taon sa tatlong taong termino
HINILING ni ABS party-list congressman Eugene Michael de Vera na ang termino ng mga kagawad ng pamahalaan ay dagdagan ng isang taon mula sa tatlong taong panunungkulan upang umayon sa binabalak na constituent assembly na sususog sa Saligang Batas na ipinasa noong 1987.
Ipinagtanggol ni G. De Vera ang pahayag ni Speaker Pantaleon Alvarez na posibleng 'di magkaroon ng halalan upang magkaroon ng transition tungo sa federal form of government.
Kasama ni Congressman de Vera si Pampanga congressman Aurelio Gonzales sa panukalang Resolution of Both Houses upang magkaroon ng constituent assembly upang pag-usapan ang mga pagbabago sa 1987 constitution bilang bahagi ng paglilipat tungo sa federal form of government.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |