|
||||||||
|
||
Melo 20180112
|
Pangulong Aquino, 'di sumipot sa Sandiganbayan
HINDI dumalo si dating Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Sandiganbayan upang basahan ng sakdal at humiling sa pamamagitan ng kanyang mga abogado na pawalang-saysay ang reklamo laban sa kanya sa naganap na Mamasapano massacre noong 2015.
Sa pamamagitan ng kanyang mga abgoado, ipinarating ni G. Aquino ang kanyang 39 na pahinang "motion to quash" sa Fourth Division. Hindi itinuloy ang pagbasa ng sakdal at gagawin na lamang sa ika-15 ng Pebrero samantalang maghihintay ng panig ng mga nagsakdal.
Ayon kay Atty. Romeo Fernandez, pinayuhan niya ang dating pangulo na huwag dumalo sa pagbasa ng sakdal kanina sapagkat hindi sila nasabihan kaagad. Ipinaliwanag ng abogado na buong akala nila ay motion to quash ang angkop sa madaling panahon. Ang notice of arraignment sa isang akusado ay karaniwang itinatakda sa araw ng kanyang paglalagak ng piyansa.
Hindi na kailangan pang dumalo ang dating pangulo sa Fourth Division sapagkat ang motion to quash lamang ang paksa. Kailangang malutas at madesisyunan muna ang motion to quash bago magkaroon ng pagbasa ng sakdal.
Kasamang akusado sina dating PNP chief Director General Alan Purisima. Sumang-ayon ang Sandiganbayan sa kahilingan ng tagausig na pagsamahin na ang mga reklamo laban sa dating pangulo, dating chief ng PNP at sa dating director ng Special Action Force na si Getulio Napenas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |