|
||||||||
|
||
Pagkilos ni Pangulong Duterte laban sa mga terorista ang nagpalakas sa ratings
SINABI ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na ang ginawang pagkilos ni Pangulong Duterte laban sa mga Maute sa Marawi City ang nagpatatag sa kanyang popularidad.
Nakita ng madla ang kanyang political will na talunin ang mga terorista sa Marawi kaya't gumandang higit ang kanyang popularity ratings. Isinulong ng pangulo ang paggalang sa batas laban sa panganib na dulot at dala ng mga terorista at nagwawagi na ang pangulo sa kanyang pakikidigma sa industriya ng droga.
Sumigla ang ratings ng pangulo mula sa pagbaba nito noong third quarter ng 2017 at natamo ang +75 percentage points sa huling tatlong buwan ng taon. Ito ang lumabas sa ginawang pagsusuri at pag-aaral ng Social Weather Stations mula ikawalo hanggang ika-16 ng Disyembre.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |