|
||||||||
|
||
Asian Development Bank, may mga proyektong kasama ang AIIB
MAY CO-FINANCING ANG ADB AT AIIB. Ito ang sinabi ni ADB President Takehiko Nakao sa kanyang pagharap sa mga kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines kanina. Higit umanong gumaganda ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa pagpapaunlad sa rehiyon. (Melo M. Acuna)
SINABI ni G. Takehiko Nakao, pangulo ng Asian Development Bank na mayroong apat na proyektong tinutustusan ang kanyang bangko at ang Asian Infrastructure Investment Bank na sinimulan ng Tsina.
Sa idinaos na talakayan para sa mga kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), maganda at maayos ang kanyang pakikipag-usap kay Pangulong Jin Luqin ng AIIB na isa ring dalubhasa sa development finance.
Mayroong apat na proyektong ipinatutupad na ngayon matapos magkasundo sa pagtutulungan. Ang mga ito ay ang M4 Highway prokect sa Pakistan na nagkakahalaga ng US$ 100 milyon na sinangayunan ng dalawang bangko.
Nagkasama rin ang ADB at AIIB sa Bangladesh Natural Gas Infrastructure and Efficiency Improvement project na nagkakahalaga ng US$ 167 milyon mula sa ADB at US$ 67 milyon mula sa AIIB.
Pasado na rin sa ADB ang Batumi Bypass Road project para sa Georgia. Nagkakahalaga ito ng US$ 114 milyon. Sa India, tinustusan ng ADB at AIIB and proyekto ng Power Grid Corporation of India Limited at ng Pamahalaan ng India sa halagang US$ 1 bilyon. Tinatayang aabot sa US$ 300 milyon ang additional component at ang US$ 50 milyon ay gagastusan mula sa ADB sovereign guaranteed loan at US$ 100 milyon mula sa AIIB samantalang ang balanse ay mula sa Power Grid Corporation of India Limited.
Nakapaglabas ang ADB ng US$ 430 milyon samantalang naglaan din ang AIIB ng US$ 374 milyon para sa apat na proyekto. Marami pang mga proyekto ang kanilang pinag-aaralan na kabibilangan ng private sector projects at non-sovereign guaranteed projects.
Sa tanong kung may kompetisyon ba sa pagitan ng dalawang bangko sa rehiyon, sinabi ni Pangulong Nakao na naglalaan sila ng AIIB ng sapat na salapi upang umunlad ang rehiyon. Nakatuon ang ADB sa mga proyekto sa kalusugan at edukasyon samantalang sa mga pagawaing-bayan naman nakatuon ang AIIB.
Higit umanong gaganda ang kanilang pagtutulungan, dagdag pa ni Pangulong Nakao.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |