|
||||||||
|
||
Labi ng manggagawang natagpuan sa freezer, 'di pa tiyak kung kailan makararating sa Maynila
WALA pang tiyak na petsa kung kailan maiuuwi ang labi ni Joanna Demafelis sapagkat sasailalim pa ito sa autopsy ng mga autoridad sa Kuwait.
Nalagdaan na ng pamilya ng kasamabay ang mga papeles subalit kailangang magkaroon ng kautusan ang hukuman upang maiuwi ang labi sa bansa. Sa pagkakadiskubre sa labi sa isang abandonadong tahanan sa Kuwait, ipinag-utos ng pamahalaang Filipino ang pagbabawal ng pagpapadala ng mga manggagawa sa Kuwait mula kahapon.
Sasailalim pa sa autopsy ang labi na mahalaga sa imbestigasyon ng mga autoridad upang mabatid kung ano ang ikinasawi at kung kailan napaslang ang biktima. Ayon sa pamilya sa Pilipinas huling naka-ugnayan nila ang kanilang mahal sa buhay noong Setyembre 2016.
Lilipad patungong Kuwait ang kapatid ng biktima kasama ang isang abogado mula sa Overseas Workers Welfare Adminisration upang tumulong sa imbestigasyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |