|
||||||||
|
||
Mga naninirahan sa Surigao, inilikas
HALOS dalawang libong mamamayan ang inilikas dala ng pagtama sa lupa ng tropical depression na si "Basyang" kanina.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, may 1,829 katao mula sa 528 pamilya sa Surigao del Norte at Surigao del Sur ang naninirahang pangsamantala sa 17 evacuation centers.
Sinabi rin ng Philippine Coast Guard na may 2,704 katao ang nasa mga daungan sa Hilangang Mindanao, Eastern at Southern Visayas. Inaalam pa ng Department of Interior and Local Government ang balitang may mga nasawi dala ng sama ng panahon.
Sinabi ng PAGASA na kaninang ika-sampu ng umaga, nakita ang mata ni "Basyang" sa Cantilan, Surigao del Sur at tuloy na daraan sa Caraga Region. May lakas itong 55 kilometro bawat oras at pagbugsong hanggang 75 kilometro bawat oras at kumikilos patungo sa kanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras.
May posibilidad ding tumama ito sa Camiguin, Siquijor, Southern Cebu, Southern Negros Oriental at Palawan.
Kalat-kalat hanggang banayad at malaks na pag-ulan ang madareama sa Palawan, Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula sa susunod na 24 na oras.
Lalabas ito ng nasasakupan ng Pilipinas sa darating na Biyernes ng umaga.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |