|
||||||||
|
||
Mga rehiyon sa labas ng Metro Manila, makikinabang din sa mga pagawaing-bayan
TINIYAK ng National Economic and Development Authority na malaki ang magiging kabahagi ng mga rehiyon sa labas ng Metro Manila kung mga programa at proyekto ang pag-uusapan.
Mayroong 4,895 mga pagawaing-bayan at mga proyekto ang nakatala sa investment program ng pamahalaan mula 2017 hanggang 2022 at may 98 mga proyekto ang tinaguriang inter-regional at 3,911 naman mga proyekto sa labas ng Metro Manila ang nakatuon sa mga rehiyon.
Sinabi ni Secretary Ernesto M. Pernia na kung susuriin ang datos, ang Autonomous Region in Muslim Mindanao ang may pinakamataas na bilang ng mga proyekto na nagpapatunay lamang na walang basehan ang mga akusasyong nakatuon sa Metro Manila ang mga pagawaing-bayan.
Sa medium term, mula 2017 hanggang 2022, makatatanggap ang ARMM ng may 1,340 mga proyekto samantalang mayroong 320 mga programa para sa Metro Manila. Ang investment requirements sa inter-regional projects ay nagkakahalaga ng P3.32 trilyon samantalang ang mga region-specific na 'di kasama ang Metro Manila ay nagkakahalaga ng P 1.164 trilyon.
Ang 161 mga pambansang infrastructure projects na nagkakahalaga ng P 2.29 trilyon ang nakatakdang ilabas upang ipatupad sa 2022.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |