|
||||||||
|
||
Alert level sa Bulkang Mayon, ibinaba na
GOBERNADOR BICHARA, NAGPASALAMAT. Taus-pusong nagpasalamat si Albay Governor Al Francis Bichara kay Pang. Rodrigo Duterte sa pagpapakilos sa buong makinarya ng ehekutibo upang tumulong sa may 82,000 evacuees. Nagpasalamat din siya sa mga international agencies, non-government at local government organisations at making mga kinatawan ng Simbahan na nakisa sa pagtulong sa evacuees. Ibinaba na ng PHIVOLCS ang alert level kaya't nakauwi na ang karamihan ng evacuees. (File Photo/Melo Acuna)
SA malaking kabawasan sa pagputok at pagdaloy ng kumukulong putik mula sa bibig ng bulkang Mayon mula noong nakalipas na linggo, ibinaba ng mga siyentipiko ang alert level mula sa ika-apat na antas patungo sa ikatlong antas.
Ayon sa pahayag na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naging banayad na lamang ang pagbuga ng nagbabagang putik mula sa labi ng bulkan, nabawasan na arin ang sulphur dioxide na inilalabas nito at kahit ang mga pagyanig ng lupa ay nabawasan na rin.
Dahil sa pagbabawas ng alert level mula sa Alert Level 4 na nangangahulugan ng napipintong pagsabog ng bulkan ginawa na lamang itong Alert Level 4 na nagsasaad ng pagbabawas ng posibilidad tungo sa isng pagsabog.
Magugunitang umabot sa 82,000 katao ang lumikas patungo sa mga paaralang kinatayuan ng mga evacuation center. Sa pagbaba ng alert level, mayroon na lamang 10,833 katao ang naninirahan sa 195 silid-aralan sa 13 evacuation centers. Ang mga nalalabi sa evacuation centers ay mga naninirahan sa loob ng anim na kilometrong permanent danger zone.
Nagpasalamat si Albay Governor Al Francis Bichara kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapakilos ng buong makinarya ng ehekutibo upang madaluhan ang pangangailangan ng mga lumikas. Nagpasalamat din siya sa international organizations, mga samahang sibiko, mga pamahalaang lokal at maging sa mga kinatawan ng Simbahan na tumugon sa pangangailangan ng mga biktima.
Ayon kay Dr. Cedric Daep, pinuno ng Albay Public Safety and Emergency Management Office, bagama't pinayagan nang umuwi ang mga nanirahan sa evacuation centers ng halos dalawang buwan, hindi pa sila pinapayagang magbungkal ng kanilang mga bukirin.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |