|
||||||||
|
||
Gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas, nagpapagaling na
MAGALING NA AKO. ito ang sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Nertor A. Espenilla, Jr. na nabatid na mayroong cancer of the tongue. Sumailalim na siya sa radiation therapy at unti-unti nang bumubuti ang kalagayan. (File Photo/Melo Acuna)
SINABI ni Governor Nestor A Espenilla, Jr. na nagpapagaling na siya ay umaasang makababalik na sa normal na kalagayan.
Sa panayam na ibinigay sa mga tagapagbalita sa idinaos na Philippine Economic Briefing ng Management Association of the Philippines, sinabi ni Governor Espenilla na tapos na ang kanyang radiation treatment para sa kanyang sakit na cancer sa dila.
Ibinalita noong nakalipas na buwan ni Governor Espenilla na nabatid ng kanyang gma manggagamot na mayroon siyang early stage ng tongue cancer at natapos na niya ang kanyang radiation therapy. Natapos niya ito noong Biyernes, ikasiyam ng Pebrero at sinasabi ng kanyang mga manggagamot na wala na siyang cancer.
Nakakaramdam siya ng pagkauhaw matapos ang kanyang radiation therapy. Gumaganda na rin ang kanyang pakiramdam ngayon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |