|
||||||||
|
||
20180227melo.m4a
|
Mga amo ni Joanna Demafelis, posibleng mabitay
SINABI ni Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa na posibleng mabitay ang mga amo ni Joanna Demafelis kung mapapatunayang nagkasala ng hukuman sa Kuwait.
Sa isang panayam sa media, sinabi ni Ambassador Villa na "death by hanging" ang tiyak na parusa kung mapapatunayang nagkasala sa pagkasawi ng Filipina.
Magugunitang isang Lebanes at isang Syrian ang nabatid na may kinalaman sa pagkasawi ng kasambahay na huling nakabalitaan ng kanyang mga kamag-anak noong Setyembre ng 2016. Nadiskubre ang labi ng biktima kamakailan lamang.
Wala pang kumpirmasyon mula sa pamahalaan ng Kuwait na nadakip na nga ang Lebanes at Syrian na mag-asawa.
Nadakip na umano si Nader Essam Assad sa Lebanon ayon sa isang security official ng Kuwait na may nabatid na impormasyon mula sa Lebanon Interpol. Samantala, ang impormasyon sa pagkakadakip ng maybahay ay mula naman sa isang tagapagbalita.
Wala pang larawan ng mag-asawang inilalabas ang mga autoridad sa Kuwait hanggang ngayon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |