|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
3 kutsara ng vegetable oil
3 star anise
2 kutsarita ng Sichuan peppercorn
1 kutsara ng tinadtad na luya
3 butil o cloves ng bawang
4 na scallions, hiniwalay ang puting parte sa berde at tinadtad
200 grams ng karneng baboy na giniling
680 grams ng turnip, binalatan at hiniwa sa mga ½ ang laki
8 malalaking sariwang shiitake mushrooms
1 kutsara ng shaoxing wine
½ kutsarita ng asin
1 kutsarita ng dark soy sauce
1 kutsara ng light soy sauce
1 kutsara ng oyster sauce
½ kutsarita ng asukal
2 tasa ng tubig
1/2 kutsara ng cornstarch na inihalo sa 3 kutsara ng tubig
Pinausukang jasmine rice
Paraan ng Pagluluto
Sa mahinang apoy, initin ang mantika sa kawali. Idagdag ang star anise at Sichuan peppercorn at hayaang sumipsip ng mantika sa loob ng 10 minutes pero huwag hahayaang masunog. Hanguin at iwanan ang mantika sa kawali. Idagdag ang luya, bawang at iyong puting parte ng scallion tapos gawing katamtaman ang apoy. Haluhaluin nang ilang segundo. Idagdag ang karneng giniling at igisa hanggang magkulay brown. Isunod ang turnip at shiitake mushrooms tapos haluing mabuti. Pagkaraan, idagdag ang shaoxing wine, asin, dark soy sauce, light soy sauce, oyster sauce, asukal at ang 2 tasa ng tubig. Haluin tapos takpan at ilaga pa sa loob ng 15 minutes hanggang maluto ang turnip. Tanggalan ng takip, dagdagan pa ang apoy tapos idagdag ang mixture of cornstarch and water para lumapot ang sabaw. Halu-haluin tapos isama ang berdeng parte ng scallions at i-serve nang nakapaimbabaw sa kanin.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |