|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
300 grams ng sibuyas
50 grams ng lean meat
2 grams ng asin
1 gram ng vetsin
8 grams ng soy sauce
10 grams ng asukal
30 grams ng tubig
100 grams ng cooking oil
20 grams ng mixture of cornstarch and water
3 grams ng Shaoxing wine
Paraan ng Pagluluto
Balatan ang mga sibuyas at gayatin. Hiwa-hiwain din ang karne bago lagyan ng asin at Shaoxing wine. Haluing mabuti pagkatapos.
Initin ang mantika sa kawali sa temperaturang 180-200 degrees centigrade. Igisa ang karne sa loob ng 2-3 minutes. Pagkaraan, hanguin at patuluin.
Mag-iwan ng 50 grams ng mantika sa kawali tapos ilagay ang ginayat na mga sibuyas at igisa. Lagyan ng tubig tapos timplahan ng soy sauce, asin vetsin at asukal tapos pakuluin. Idagdag ang mixture of cornstarch and water para lumapot. Idagdag ang mga piraso ng karne at haluin. Isalin sa plato at ihain.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |