Mga dating opisyal ng Bureau of Immigration, kinasuhan na
MAY natagpuang sapat na dahilan upang ipagsumbong sina dating Immigration deputy commissioners Al Argosino at Michael Robles ng Sandiganbayan. Kasama rin sa inakusahan ang isang retiradong opisyal ng pulisya na kinilala sa pangalang Wally Sombero, Jr. hinggil sa P 50 milyong "bribery scandal"
Kinasuhan ng mga tagausig ng Office of the Ombdusman sina Argosino, Robles at Sombero ng usaping 'di mapipiyansahang plunder at tig-iisang count ng paglabag sa Section 3 paragraph e ng Anti-Graft and Corrupt Practiges Act, direct bribery at paglabag sa Presidential Decree 46.
Mahaharap din sa usapin si Jack Lam sa paglabag sa PD 46 na nagpaparusa sa mga opisyal ng pamahalaan sa pagtanggap ng mga regalo mula sa mga pribadong tao.
Ang napatalsik na si intelligence chief Charles Calima, Jr ay hindi isinama sa ipinagsumbong matapos pagbigyan ng Ombdusman ang kanyang kahilingan sa kawalan ng sapat na dahilan.
1 2 3 4