|
||||||||
|
||
20180321melo.m4a
|
Paghiwalay ng Philippine Marines sa Philippine Navy, tinutulan
TUTOL ang Department of National Defense sa panukalang ihiwalay ang Philippine Marines sa ilalim ng Philippine Navy.
Sa isang pahayag, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang marines ay "expeditionary forces." Sa ibang mga bansa tulad ng Estados Unidos, ang Marines na pinagkunan ng sistema ng Philippine Marines, ay naipadadala sa ibang bansa. Ito rin ang nagaganap sa Royal Marines ng United Kingdom. Ang marines ay maituturing na "invasion forces" na kasama ng kani-kanilang hukbong dagat. Ang Pilipinas, ay hindi kailanman mananakop ng ibang lupain sa mga susunod na taon.
Idinagdag pa ni Defense Secretary Lorenzana na ang Philippine Marine Corps ay maituturing na ground force at sila ay naipadadala tulad ng infantry sa Mindanao. Ang paghihiwalay sa kanila na kumikilos tulad ng Army ay mangangahulugan ng pagkakaroon ng dalawang ground forces sa bansa.
Ang Philippine Marine Corps ay nagsasabing may kakayahang kumilos mula sa mga barko patungo sa baybay-dagat at madaling matututo ang Philippine Army ng ganitong kakayahan.
Ani Secretary Lorenza, nang mabuo ang Philippine Marines noong 1950 sa pamamagitan ng isang kautusan mula sa General Headquarters, ito ay kinilala bilang isang light, hard striking force na hahabol sa mga pirata at smuggler. Bahagi ito ng Philippine Navy patrol na siyang pinagmulan ng Philippine Fleet. Ang Philippine Mrines ay nabuo bilang kasama ng Philippine Navy at pinanatili itong maliit na puwersa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |