|
||||||||
|
||
20180327melo.m4a
|
Pulis sa Metro Manila, naka-alerto ngayong Semana Santa
NASASAKLAW ng full alert status ang National Capital Region Police Office at nagpakalat ng halos 12,000 mga tauhan sa Metro Manila upang tumugon sa anumang problema o banta ngayong Semana Santa.
Pinababantayan ni Police Director Oscar Albayalde, director ng NCRPO ang mga pook na pinag-iipunan ng mga mamamayan tulad ng mga simbahan at bahay-dalanginan, mga terminal ng bus at maging mga daan patungo sa mga paliparan at daungan.
Mayroon ding halos 25,000 mga tauhan ng iba't ibang barangay sa Metro Manila na tutulong sa pulisya sa kanilang pagbabantay.
Ipagpapatuloy pa rin ang mga operasyon laban sa illegal drugs at kriminalidad. Kailangang magkaroon ng sapat na tauhan sa mga Police Assistance Desks.
Bagaman at walang nakikitang direktang banta sa madla ngayong Semana Santa, binanggit ni Director Albayalde na tutugon ang kanyang mga tauhan sa buong Metro Manila.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |