|
||||||||
|
||
Belt and Road Initiative, makatutulong sa kalakal at pagawaing-bayan
NANINIWALA si Senador Loren Legarda, pinuno ng Senate Committee on Foreign Relations na makapaghahatid ng ibayong biyaya ang Belt and Road Initiative sa larangan ng pagawaing-bayan at kalakal sa Pilipinas.
Ayon kay Senador Legarda, alternate head ng delegasyon ng Pilipinas sa 2018 Spring Meetings ng International Monetary Fund at World Bank Group sa Washington, District of Columbia, mapakikinabangan ng Pilipinas ang BRI. Ito ang kanyang pahayag matapos dumalo sa High-Level Roundtable on Maximizing Development Impact of the Belt and Road Initiative.
Nagmula ang kaisipan ng BRI sa Tsina upang mapatibay ang relasyong pag-ekonomiya sa iba't ibang bansa sa pamamagitan ng rota ng mga sasakyang-dagat sa Asia, Africa at Europa.
Napapanahon ang paglahok ng Pilipinas sa Belt and Road Initiative sapagkat makasasabay na ang bansa sa malawak na pamilihan.
SENADOR LOREN LEGARDA, NANINIWALANG MAKATUTULONG ANG BELT AND ROAD INITIATIVE. Ito ang kanyang sinabi sa pulong ng International Monetary Fund at World Bank Group sa Washington noong nakalipas na linggo. Kailangang magkatugma ang progrfam ng BRI ng Tsina at Build, Build, Build ng Pilipinas, dagdag pa ng mambabatas. (Office of Senator Loren Legarda)
Idinagdag lamang ng mambabatas na kailangang masuri ang mga nilalaman ng mg kasunduan at matugunan ang mga katanungan sa pagsuporta at pagtugon sa mga pangangailangan ng malalaking proyekto.
Nararapat mabatid kung ang mga proyekto sa ilalim ng BRI ay umaayon sa Build, Build, Build program ng pamahalaang Pilipino.
Nararapat lamang magkatugma ang mga programa ng BRI sa programang pangkaunlaran ng Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |