|
||||||||
|
||
Madre, paaalisin na sa bansa sa loob ng 30 araw
SR. PATRICIA ANNE FOX, NDS. Nagdesisyon na ang Bureau of Immigration Board of Commissioners na pawalang-saysay ang isa na iginawad sa misyonera sa diumano'y pakikialam sa mga usaping pang-bansa. Kuha ang larawan sa panayam na ginawa noong Sabado. (Melo M. Acuna)
NAGDESISYON na ang Board of Commissioners ng Bureau of Immigration na pawalang-saysay ang visa na ipinagkaloob kay Sr. Patricia Anne Fox. Ito ay dahil sa diumano'y pakikialam at panghihimasok sa mga usaping para sa mga mamamayan lamang ng bansa.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa isang panayam sa telebisyon.
Nagkaroon umano ng due process sa pagdaraos ng preliminary investigation upang alamin kung nar/.rapat nga bang paalisin sa bansa ang misyonerang naglingkod na sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas sa nakalipas na 27 taon.
Ipinakita ni Secretary Roque ang larawang kinatatampukan ng madre na umano'y nagsasalita sa isang political activity sa Davao City. Itinanggi naman ito ng madre na nagsabing naglahad lamang siya ng pakikiisa ng Simbahan sa mga natanggal sa trabahong manggagawa.
Ayon kay Sr. Pat, sinuportahan lamang niya ang programa ni Pangulong Duterte kontra sa endo o ang kontraktuwalisasyon.
Ipinaliwanag naman ni Secretary Roque na hindi kailanman pinapahintulutan ang mga banyagang makialam sa mga isyung pambansa.
Ayon sa misyonera, iaapela nila ang kautusan hanggang sa makarating sa Korte Suprema.
Wala pang pahayag ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa isyung ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |