|
||||||||
|
||
Chief Justice Sereno nagsabing bababa siya kaagad sa oras na lumabas ang hatol ng Senado
HINDI nangangambang mananagot at handang umalis sa kanyang tanggapan sa oras na lumabas ang desisyon o hatol ng Senado sa kanyang impeachment case.
Ito ang sinabi ni Chief Justice-On Leave Maria Lourdes Sereno. Nauunawaan umano niya ang proseso. Ito ang kanyang pagtiyak sa harap ng mga mag-aaral ng batas sa Ateneo Law School.
Hindi umano siya kapit-tuko sa kanyang posisyon at hindi rin ito bilang pagtatanggol sa sarili sapagkat ito ay pagtatanggol sa basic principles na siyang sandigan ng demokrasya sa bansa.
May dalawang pagtatangka na alisin siya sa tanggapan, sa pamamagitan ng impeachment sa House of Representatives at sa pamamagitan ng quo warranto proceedings sa Korte Suprema.
Mayroong anim na articles of impeachment sa Mababang Kapulungan na kinabibilangan ng hindi paghahain ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth.
Ani Chief Justice Sereno, nagdadalawang-isip ang mga Kongresista na dalhin sa Senado ang impeachment.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |