|
||||||||
|
||
Mas maraming Filipino ang naghahanap ng dagdag na trabaho
SA likod ng tumataas na bilang ng nagkatrabaho sa ilalim ni Pangulong Duterte, nababahala ang IBON sa pagkakaroon ng panibagong kalakaran.
Ibinalita ng IBON na tumaas ang bilang ng may trabaho at umanot sa 41.8 milyon noong Enero ng 2018 mula sa 39.3 milyon noong Enero ng 2017, nakita rin ang paglago ng employment rate sa pagkakaroon ng 94.7 percent noong Enero ng taong ito mula sa 93.4 percent noong Enero ng 2017.
Bumaba ang unemployment rate at nakamtan ang 5.3 percent noong Enero ng taong ito mula sa 6.6 percent noong Enero ng 2017.
Kahit umano tumaas ang bilang ng mga nagkatrabaho at pagbaba ng unemployment, mas maraming Filipino ang kinikilalang underemployed sa pagtatamo ng 18 percent noong Enero mula sa 16.3% noong nakalipas na Enero ng 2017.
Ito ang pinakamataas sa Labor Force Survey (sa ilalim ni Pangulong Duterte). Idinagdag ng pahayag na lumago ang mgav walang trabaho sa pagkakaroon ng 1.1 milyon mula sa 6.4 percent noong nakalipas na taon sa datos ng 7.5 milyon noong Enero ng taong ito.
Tumaas din ang bilang ng part-time workers sa pagkakaroon ng 1.3 milyon o 9.3% sa pagkakaroong ng 14.7 milyon mula sa 13.4 milyong natamo noong Enero 2017.
Indikasyon pa rin ang paglala ng kalagayan ng mga manggagawa at sistema ng pasahod. Sa informal sector workers at iba pang kinikilalang own-account workers at 'di panasasahod ng kawani sa loob ng pamilya ay umabot ay nadagdagan ng 1.4 milyon at nakamtan ang 16 milyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |