|
||||||||
|
||
Brodkaster sa Dumaguete, nasawi
PUMANAW na si Edmund Sestoso matapos barilin ng mga 'di pakilalang salarin malapit sa kanyang tinitirhan ng mga nakamaskarang kalalakihang sakay ng motorsiklo kahapon. Pumanaw si Sestoso sa edad na 51.
Nasawi si Sestoso dahil sa multiple organ falure dala ng mga sugat na tinamo. Ito ang pahayag ng mga manggagamot sa Silliman University Medical Center. Pumanaw ang brodkaster kaninang pasado ikatlo ng hapon. Inoperahan siya sa limang tama ng bala sa dibdib at sa mga paa. Nakaligtas siya sa operasyon subalit umasa na lamang ang kanyang katawan sa life support. Nawalan din siya ng dugo sa mga tama ng bala.
Naganap ang pamamaril isang taon matapos mahirang na anchorman sa isang pang-umagang palatuntunan sa DyGB FM. Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa pamamaril. Inaalam pa ng pulisya ang detalyes na napapaloob sa telepono ng nasawi na nabalitang may kausap na isang Tagalog.
Matagal na ang sinundang karumal-dumal na krimeng naganap sa Dumaguete City. Kinondena ng mga kapwa mamamahayag at mga opisyal ng pamahalaang lokal ang insidente.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |