|
||||||||
|
||
Kalihim ng Turismo, ipinasisiyasat ng isang mambabatas
HINILING ni Senador Nancy Binay na siyasatin ng Senado sa karumaldumal na advertising transaction na nagkakahalaga ng milyon-milyong piso.
Magugunitang sinabi ng Commission on Audit na hindi katanggap-tanggap ang ang pagbabayad sa Bitag Media Unlimited ni Ben Tulfo na kapatid ni Tourism Secretary Wanta Teo ng tanggapang kanyang pinamumunuan,
Ang Bitag Media Unlimited o BMU ay isang blocktimer na nasa likod ng programang "Kilos Pronto" sa himpilang pag-aari ng pamahalaan.
Sinabi ng mambabatas na sa limitadong pananalapi, kailangang maging responsible sa paglalaan ng pondo. Hindi biro ang budget na ibinibigay sa pag-anyaya sa maraming turista.
Ngayong 2018, ang Department of Tourism ay mayroong isang bilyong pisong budget para sa branding samantalang mayroong salaping nakahiwalay para sa Tourism Promotions Board. Ipinagpasalamat ni Senador Binay ang desisyon ng Bitag Media Unlimited na ibalik ang P 60 milyon sa advertising fund.
Samantala, sinabi naman ng tanggapan ni Senador Risa Hontiveros na ang pagbabalik ng salapi ay pagpapakita ng pagkakamali. Nararapat lamang ituloy ang imbestigasyon upang mapanagot ang nasa likod ng kaduda-dudang transaksyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |