Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Matagumpay ang idinaos na Barangay at Sangguniang Kabataan elections

(GMT+08:00) 2018-05-16 08:47:25       CRI

NAGING matagumpay ang nakalipas na halalan para sa barangay at sangguniang kabataan kahapon. Ito ang sinabi ni Director Frances CN Aguindadao-Arabe ng Commission on Elections sa idinaos na Kapihan sa Makati kanina.

Bagaman, inaalam pa nila ang mga detalyes sa impormasyong nakarating sa kanila hinggil sa bilihan ng boto.

TAGUMPAY ANG NAKALIPAS NA HALALAN.  Ayon kay Director Frances Arabe ng Commission on Elections (may mikropono) hindi nagkaroon ng malting problematical sa halalalang pangbarangay at pangsangguniang kabataan sa buong bansa.  Bagaman, walang halalang naganap sa Marawi City sapagkat walang mga naninirahan sa Marawi City at nasa iba't bang evacuation centre sila.  Na sa larawan din si Atty. Ona Caritos ng LENTE na nanawagan sa mga mambabatas na kung pipigilan ang halalan ay kanilangang hindi bababa sa izan taon cupang Huwag mahirapan ang Comelec.  Kasama rin sa talakayan si dating Comelec Commissioner at ngayo'y Chairman ng NAMFREL Gus Lagman.  (Melo M. Acuna)

Ayon kay Dr. Irwin Serrano ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV, naging mapayapa naman ang halalan sa karamihan ng bahagi ng bansa. Subalit binanggit ni G. Gus Lagman, chairman ng National Movement for Free Elections na nakababahala ang naganap na pamimili ng boto sapagkat taliwas ito sa batas. Idinagdag naman ni G. Eric Alvia ng NAMFREL na ang bilihan ng boto ay nagaganap maging sa automated o manual elections. Ayon kay Atty. Ona Caritos ng Legal Network for Truthful Elections, isa sa pinakamahirap na masiyasat ay ang pamimili ng boto sapagkat mahirap patunayan ayon sa kasalukuyang batas.

May aabot naman sa 1,000 mga nagwaging kandidato ang hindi kaagad mapoproklama matapos lumabas na lumabag sila sa batas tulad ng sa paninirahan sa pook na kanilang kakandidatuhan. Kontrobersyal din ang mga kandidato sa Sangguniang Kabataan sapagkat may mga higit na sa age limit na kumandidato pa. Mayroon din namang hindi na doon sa address na ibinigay na kanilang mga tahanan.

MALAKING TANONG KUNG BAKIT USO ANG BILIHAN NG BOTO.  Ito ang sinabi ni NAMFREL Executive Director Eric Alvia.  Walang kinikilalang panahon ang bilihan, mula sa automated at manual elections, sapagkat kinikilalang investment ang pagkandidato.  Na sa larawan din si Dr. Erwin Santiago ng PPCRV sa gawing kanan.  (Melo M. Acuna)

Bagaman, sinabi ng Philippine National Police na nagkaron ng may higit sa 30 kaso ng pagpatay na naganap noong nakalipas na ilang lingo. Subalit idinagdag ni Chief. Supt. John Bulalacao na inaalam nila kung tunay na may kinalaman sa halalan ang mga nasawi.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>