|
||||||||
|
||
Padalang salapi ng mga manggagawa tumaas na naman
IBINALITA ni Bangko Sentral ng Pilipinas Officer-In-Charge Diwa Guinigundo na tumaas na naman ang padalang salapi ng mga manggagawa mula sa iba't ibang bansa sa unang tatlong buwan ng taong 2018 at umabot sa US$ 7.8 bilyon. Kinakitaan ito ng 1.3 porsiyentong pag-angat sa nakamtang halaga noong nakalipas na taon.
Ang karamihan ng personal remittances ay mula sa land-based workers na may kontratang higit sa isang taon at umabot sa US$ 6.1 bilyon na kinakitaan ng paglagong 0.4 percent samantalang ang 20% ay mula sa sea-based and land-based workers na may kontratang wala sa isang taon na umabot naman sa US$ 1.6 bilyon na tumaas ng 2.2 percent.
Ang personal remittances noong Marso ay umabot lamang sa US$ 2.6 bilyon na mas mababa ng 9.9 percent kaysa halagang nakamtan noong Marso ng 2017.
Ang salaping idinaan sa mga bangko sa unang tatlong buwan ay umabot sa US$ 7.0 bilyon at nagkaroon ng 0.8 na paglago mula sa nakamtan noong nakalipas na taon. Ang cash remittances ng land-based workers ay umabot sa US$ 5.6 bilyon na lumago sa 0.4 percent samantalang ang sea-based workers ay umabot naman sa halagang US$ 1.4 bilyon na lumago ng 2.3 percent.
Noong nakalipas na Marso, bumagsak ang padalang salapi ng may 9.8 percent sa halagang US$ 2.4 bilyon dahilan na rin sa pagbagsak ng cash remittances mula sa 9.7 percent decrease sa land-based workers at 10.2 percent decrease ng cash transfers mula sa mga sea-based workers. Ang mga bansang kinakitaan ng pinakamalaking pagbagsak ay ang Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar at Estados Unidos.
Ang dahilan ng pagbagsak ng remittances noong Marso ay sa kagyat na pagtaas ng remittances noong Marso ng 2017. Nakatulong din sa pagbaba ng remittances ay ang pagbaba ng bilang ng mga araw ng paglilingkod ng mga bangko noong Marso dahil sa paggunita sa Semana Santa na noong nakalipas na taon ay naganap noong buwan ng Abril.
Nakatulong din sa pagbaba ng padalang salapi ang pagtaas ng bilang ng mga umuwing manggagawa mula sa Gitnang Silangan. Ayon sa datos ng Department of Labor and Employment ang pag-uwi ng may 1,124 na manggagwa mula sa Kuwait.
Ang cash remittances mula sa Estados Unidos, United Arab Emirates, Japan, Singapore, Untied Kingdom , Canada, Qatar, Germany at Hong Kong ay bumuo na sa 80.1 percent ng total cash remittances sa unang tatlong buwan ng taong ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |