Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Matagumpay ang idinaos na Barangay at Sangguniang Kabataan elections

(GMT+08:00) 2018-05-16 08:47:25       CRI

Bentahan ng mga kotse, laglag na naman

SA ikalawang sunod na buwan, laglag na naman ang bentahan ng mga sasakyan sa Pilipinas. Ito ang ibinalita ng Chamber of Automobile Manufacturers of the Philippines Inc.

Mula Enero hanggang sa huling araw ng Abril, umabot sa 111,620 mga sasakyan ang nabili at mas mababa ito ng higit sa siyam na porsiyento mula sa 123,064 na sasakyang nabili noong nakalipas na taon.

Pinaka-apektado ang bentahan ng light trucks sapagkat mula sa 2,930 mga naipagbili noong 2017 umabot lamang sa 2,007 ang mga sasakyang nabili ngayong 2018 na kinakitaan ng pagbagsak ng may 31.5%. Ang mga Asian Utility Vehicles naman ay nabawasan ng may 24.2 persiyento sa bentang 18,612 units mula sa 24,550 noong nakalipas na taon. Ang commercial vehicles ay bumagsak din sa bentang 72,803 unit ngayong 2018 mula sa 81,251 unit noong nakalipas na 2017.

Ito ang pinakahuling datos ng nakamtan mula sa tanggapan ni Atty. Rommel Gutierrez, pangulo ng CAMPI sa kanyang ipinadalang impormasyon ngayon.

Ayon sa mga alagad ng industriya, ang dahilan ay ang bagong pagbubuwis na kilala sa pangalang TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion na sinimulang ipatupad ng pamahalang Duterte mula noong unang araw ng Enero.

Kinakitaan ito ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at buwis sa mga karaniwang sasakyang binibili ng mga mamamayan.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>