Child labour at paglabag sa batas ng mga menor de edad, pag-uusapan
ITATAMPOK sa Wednesday Rountable @ Lido ang kalagayan ng mga kabataang naghahanap-buhay sa halip na pumasok sa mga paaralan.
Dadalo at makikipagpalitan ng pananaw at datos sina Chief Supt. William S. Macavinta, ang director ng Women and Children Protection Desk, Bb. Arlene Taguba ng International Labour Organization, G. Julius Cainglet ng Federation of Free Workers, Bb. Marilyn Moral ng Department of Social Welfare and Development at Bb. Daisy Arago ng Center for Trade Union and Human Rights.
Ang talakayan ay follow-up lamang sa idinaos na Roundtable @ Lido hinggil sa Edukasyon at kalagayan ng mga mag-aaral kamakailan.
1 2 3 4 5