|
||||||||
|
||
20180522melo.m4a
|
Inflation at pagtaas ng presyo ng petrolyo, kambal na hamon sa ekonomiya
KAILANGANG kumilos ang pamahalan upang maibsan ang lalaking epekto ng inflation sa mga mamamayan. Ito ang nagkakaisang pananaw nina dating Congressman Erin Tañada at Political Analyst Ramon Casiple ng Institute for Political and Electoral Reforms sa idinaos na "Kapihan sa Makati."
Ayon kay dating Congressman Tanada, nahaharap sa malaking hamon ang mga Filipino dahil sa pagbubuwis na ipinataw sa ilang mga produktong karaniwang binibili ng mga mamamayan sa ilalim ng TRAIN.
Sa panig naman ni G. Casiple, naniniwala siyang matindi ang dagok sa ekonomiya ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Kung noon ay mababa ang presyo ng petrolyo sa world market, lumago ito ngayon at nakarating na sa US$ 80 bawat bariles.
Tiyak na maapektuhan ang mga karaniwang binibili ng mga mamamayan, dagdag pa ni G. Casiple. Kailangang kumilos ang pamahalaan sapagkat gumagalaw na ang Bangko Sentral ng Pilipinas upang harapin ang hamong dulot ng pagtaas ng presyo ng petrolyo at ng inflation.
Wala namang nakikitang epekto sa ekonomiya ang posibilidad na mabawasan ang mga manggagawa sa iba't ibang bansa. Ani G. Casiple, wala namang epekto sa mga manggagawang lumalabas ng bansa sapagkat walang pandaigdigang krisis. Kahit saang bahagi ng daigdig ay mayroong mga manggagawang Filipino, dagdag pa ni G. Casiple.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |