Napatalsik ng chief justice, naghahandang kumandidato para sa Senado
BUKAS umano siyang tumakbo para sa Senado sa darating na halalan. Ito ang sinabi ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa likod ng naunang pahayag na wala siyang balak kumandidato.
Kahit umano ang mga taong malalapit sa kanya ay nagsabing bukas ang dating chief justice na kumandidato sa pagka-senador.
Pinag-aaralan umano niya ang mga posibleng gawin, dagdag pa ng dating punong mahistrado. Higit umano ang kanyang pagiging politiko ngayon kaysa ang pagiging mahistrado noon.
1 2 3 4