KINIKILALA ng Malacanang na ang magkasunod na pagpatay sa dalawang punongbayan kamakalawa at kahapon ay pagtatangkang sirain ang pagtitiwala ng taongbayan kay Pangulong Duterte kasabay ng pagtangging mayroong "culture of impunity" sa bansa.
Ito ang reaksyon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pahayag ni Akbayan Congressman Tom Villarin na nanisi kay Pangulong Duterte sa pagkamatay ng dalawang punongbayan. Si G. Duterte umano ang nagbigay ng karapatang pumatay sa kanyang kampanya laban sa illegal drugs.
Nanindigan si Secretary Roque na walang "culture of impunity" sa bansa at hindi kailanman kinokunsinte ng pamahalaan ang krimen.
Tumatalima pa umano ang bansa sa batas kaya't walang dahilan upang paniwalaan ang pahayag ng mambabatas. Pagtatangka lamang umano ang paninisi na wasakin ang paniniwala ng taongbayan sa programa ni Pangulong Duterte.
1 2 3 4 5