Tatlong anggulo, pinag-aaralan sa pagpatay kay Mayor Halili
MAY tatlong posibleng motibo sa pagpaslang kay Mayor Antonio Halili ng Tanauan City sa Batangas. Ito ang sinabi ni Interior and Local Government Acting Secretary Eduardo Año.
Ayon sa update ng special task force na nagsisiyasat, ang tatlong posibleng motibo ay politika, ang panghihiya na ginawa ng punong-lungsod sa mga sangkot sa krimen at ang sinasabing pagkakasangkot sa illegal drugs.
Tuloy ang imbestigasyon, dagdag pa ni Secretary Año. Susundan lamang nila ang mga ebidensyang makakalap.
1 2 3 4 5