|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
200 grams ng black fungus
2-3 itlog
1 carrot
1 green onion, tinadtad
Paminta
Asin
Sesame oil
Paraan ng Pagluluto
Ibabad ang pinatuyong black fungus sa tubig sa loob ng 20-30 minutes hanggang mag-expand. Hugasang mabuti at gupitin ang mga tangkay.
Himayin nang maliliit tapos itabi muna.
Hugasan at talupan ang carrot tapos gayatin nang manipis at pa-diamond.
Basagin ang itlog at batihin sa isang maliit na bowl. Mag-init ng mantika sa kawali at iprito ang binating itlog. Patayin ang apoy, hanguin ang itlog at itabi muna.
Mag-init uli ng mantika sa kawali tapos ilagay ang green onion at igisa sa loob ng 10 seconds hanggang lumutang ang bango. Idagdag ang ginayat na carrot at ang black fungus tapos igisa sa malakas na apoy sa loob ng 1 minute. Idagdag ang asin at paminta at ituloy pa ang paggisa sa loob ng 20 seconds. Hinaan ang apoy tapos isama ang itlog at ituloy pa ang paggisa sa loob ng 30 seconds. Pagkaraan niyan, ready to serve na ang inyong Fried Egg with Black Fungus.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |