|
||||||||
|
||
Lalaki, napaslang sa loob ng bakuran ng Arsobispo ng Cebu
ISANG lalaking nabalitang naghahanap kay Arsobispo Jose S. Palma ang nabaril at napatay ng mga pulis bago sumapit ang ika-labing dalawa ng tanghali kanina.
Kinilala ang napaslang na isang Jeffrey Mendoza Cañedo, isang taga-Barangay Labangon, Ceby City na pumasok sa bakuran ng tahanan sakay ng isang motorsiklo bago sumapit ang ika-11 ng umaga kanina.
Ayon kay Police Director Debold Sinas, Region VII Regional Police Office chief, nakasuot ng bonnet ang suspect nong pumasok sa bakuran. Ito ang sinabi ng isang Remigio Debuayan, ang guardia sa bakuran.
Pinagtangkaan umano niyang pigilin ang suspect noong pumasok sa bakuran. Binabanggit umano ni Ceñedo ang pangalan ni Arsobispo Palma. Ito ang dahilan kaya't tumawag ana ng pulis ang guardiya.
Tumugon ang pulis at dumating sa bakuran. Pinigilan umano ng mga pulis si Cañedo subalit bumunot ng baril kaya't napatay ng mga tauhan ng Cebu Police. Nagbababala pa umano si Cañedo na papuputukan niya ang mga pulis kaya't binaril na siya ng mga tauhan ng pulisya.
Ayon sa pagsisiyasat, nakausap ng mga kawani ng arsobispo ang suspect na tila balisa. Nagnais umanong mangumpisal ang suspect sa dami ng kanyang mga kasalanan.
Hindi masabi kaagad kung pinagbalakan ng armadong patayin si Arsobispo Palma. Nabawi ng mga autoridad ang mga basyo ng bala sa pook ng insidente.
Wala sa Cebu City si Arsobispo Palma ng maganap ang insidente. Wala ring nasugaatan sa insidente. Tuloy pa rin ang pagsisiyasat.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |