|
||||||||
|
||
Mga tulay na donasyon ng Tsina, masisimulan na
MGA LARAWAN NG TULAY NA ITATAYO, SINUSURI. Makikitang hawak ni Public Works and Highways Secretary Mark A. Villar ang mga documentong nagpapakita ng mga disenyo ng tulay na donasyon ng Tsina na nagkakahalaga ng P 5.472 bilyon. Sisimulan ang pagtatayo ng tulay sa Martes, ika-17 ng Hulyo. Dadalo sina Pangulong Duterte at Ambassador Zhao Jianhua sa groundbreaking ceremonies. (Melo M. Acuna)
DADALO bilang mga panauhing pandangal sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa gagawing groundbreaking ceremonies sa Martes, ganap na ikatlo ng hapon, sa Intramuros bilang hudyat ng pagsisimula ng pagtatayo ng dalawang tulay na kaloob ng pamahalaan ng Tsina.
Ang dalawang tulay na nagkakahalaga ng P 5.472 bilyon ay itatayo sa pagitan ng Intramuros at Binondo sa Maynila at Estrella St. sa Makati City at Barangka Drive sa Mandaluyong. Makabagong mga tulay ito.
Dumalaw si Secretary Mark A. Villar sa Intramuros side ng construction at nagsabing malaking tulong ito sa layunin ng pamahalaang maibsan ang daloy ng mga sasakyan sa magkabilang panig ng Pasig River.
Mapakikinabangan ang mga tulay na ito sa darating na 2020. Ang dalawang tulay ay bahagi ng 12 bagong tulay na tatawid sa Pasig at Marikina rivers at Manggahan floodway upang maibsan ang paghihirap ng may 1.3 milyong motorista.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |