|
||||||||
|
||
Dalawang pinaghihinalaan sa pagpaslang sa isang punongbayan, nadakip
PNP DIRECTOR GENERAL OSCAR ALBAYALDE: Nadakip ang dalawang pinaghihinalaang sangkot sa pagbaril kay General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote noong ikattlo ng Hulyo sa Cabanatuan City. (File Photo/Melo M. Acuna)
IBINALITA ni Police Director General Oscar Albayalde na nadakip ang dalawang pinaghihinalaang may kinalaman sa pagpaslang kay General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.
Kinilala ang mga suspect sa mga pangalang Florencio Suarez, 48 taong gulang at Robert Gumacay, 35 taong gulang na nadakip mga ikasiyam at kalahati ng umaga sa isang checkpoint sa Del Gallego, Camarines Sur.
Ito umano ay dahilan sa kanilang follow-up at mayroong hawak na physical evidence, mga pelikula mula sa CCTV na inayos pa ang mga imahen kaya't nakilala ang mga suspect.
Sa isang ambush interview, sinabi ni General Albayalde na ang isa sa nadakip ang namaril sa biktima. Hindi lamang kinilala kung sino sa kanila ang bumaril sa biktima. Dala ni Suarez ang isang Avanza na walang plate number ng pigilin ng mga pulis.
Hindi naman kinilala si Gumacay na person-of-interest kaya nga lamang ang umamin na sa pagtatanong ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group. Hinahanap pa ang apat o lima pang mga suspect at hindi pa rin nadarakip ang utak ng krimen. Lumalabas na ang dalawa ay "gun-for-hire" members.
Posibleng may kinalaman sa kontrata sa National Irrigation Administration ang pamamaril. Nabawi ng pulisya ang isang kalibre 45 pisto kay Suarez na nakita na lamang ng mga autoridad sa pagsilip sa loob ng sasakyan.
Hawak ang dalawa ng Del Gallego police. Nabaril si Mayor Bote noong ikatlo ng Hulyo at inihatid sa huling hantungan kahapon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |