|
||||||||
|
||
20180712TuoleForum.mp3
|
Noong Nobyembre 17, 2016, nagkaroon po ng pagkakataon ang inyong lingkod na makadalo sa kauna-unahang China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum (CAIPCCF) o mas kilala sa tawag na Tuole Forum.
Ito ay idinaos sa Tuole County, Bayan ng Panzhou, Probinsya ng Guizhou, sa gawing timog-kanluran ng Tsina.
Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng mga opisyal ng Lalawigan ng Guizhou; mga diplomata mula sa mga bansa ng Association of South East Asian Nations (ASEAN), kasama na riyan siyempre ang Pilipinas; mga mangangalakal na Tsino at ASEAN; at mga media.
Malaking pakinabang ang dulot ng Tuole Forum sa relasyon ng mga mamamayang Tsino at ASEAN.
Ito ay isang plataporma sa paggawa ng mga plano sa hinaharap upang palakasin ang relasyon sa pagitan ng Bayan ng Panxian at ASEAN, at buong Tsina at ASEAN.
Sa pamamagitan ng nasabing porum, naitatayo ang mekanismo ng kooperasyon hinggil sa turismo, impastruktura, transportasyon, konektibidad, pagpapalitan sa siyensiya't teknolohiya, pagmimina ng mga mineral, at marami pang iba.
Kaugnay nito, idinaos kamakailan sa Beijing ng China Overseas Development Association (CODA), ang isang preskon hinggil sa pagdaraos ng Ika-3 Tuole Forum at China Overseas Investment Fair (COIFAIR) – Tuole Branch.
Isiniwalat ni He Zhenwei, Pangkalahatang Kalihim ng CODA, na idaraos sa Barangay Tuole, Lunsod ng Panzhou ng Lalawigang Guizhou, Nobyembre 8 hanggang 10, 2018 ang nasabing mga pagtitipon.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Glenn G. Penaranda, Commercial Counsellor ng Pilipinas sa Tsina, na ang bilateral na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina ay nasa pinakamainam na panahon, at ito'y nagbibigay ng kaaya-ayang plataporma para sa pagpapalakas ng kolaborasyon at pagtutulungan.
Aniya pa, pakikipagtulungan at pagkakaibigan ang alok ng Pilipinas sa Tsina.
Maaari aniyang magkomplimento at magkooperasyon ang dalawang bansa upang mapalakas ang negosyo, hindi lamang sa bilateral, kundi sa pandaigdigang paraan din.
"Inaanyayahan namin ang Tsina, na makipag-partner sa Pilipinas at itayo ang magkasamang kapakanan," ani Penaranda.
Hinihimok din aniya ng Pilipinas ang mga negosyanteng Tsino na maglagak ng puhunan sa Pilipinas, sa mga sektor na gaya ng manupaktura, agrikultura, pangingisda, panggugubat, imprastruktura, lohistika, serbisyong pangkalusugan, pabahay, kalikasan, enerhiya, pasilidad at serbisyong panturismo, at IT-enabled na serbisyo.
Noong 2017, ang Tsina ay ang ika-8 pinakamalaking pinagmumulan ng dayuhang puhunan ng Pilipinas, at ito ay may pangkalahatang aprubadong lagak na puhunang nagkakahalaga ng USD 44 milyon.
Ang puhunang ito ay nasa real estate (53%), manupaktura (30%), at transportasyon at pag-iimbak (6%).
Samantala, ang netong direktang dayuhang puhunan mula sa Tsina noong Enero hanggang Pebrero 2018 ay nagkakahalaga ng mahigit USD163 milyon, na 466% mas malaki kumpara sa mahigit USD28 milyon ng buong 2017.
Ani Penaranda, ito ay patunay ng napakalakas na interes at potensyal ng puhunang Tsino sa Pilipinas.
Pinasalamatan din ni Penaranda ang mga tulong na ipinagkakaloob ng Tsina sa Pilipinas, sa ibat-ibang sektor at larangan ng bansa.
Ang Tuole Forum ay isang mekanismo ng kooperasyon hinggil sa International Production Capacity, kasama na ang turismo, impastruktura, transportasyon, pagmimina ng mga mineral, at marami pang iba upang bigyan ng malaking benepisyo ang mga mamamayang Tsino at ASEAN.
Ito'y sinimulan noong 2016 sa Barangay Tuole, Lunsod ng Panzhou ng Lalawigang Guizhou, Tsina.
IICCF at Ika-10 COIFAIR, idaraos
Maliban sa Tuole Forum at COIFAIR – Tuole Branch, idaraos naman sa Setyembre 15 hanggang 16, 2018, sa China National Convention Center sa Beijing, ang 2018 International Industrial Capacity Cooperation Forum
(IICCF) at Ika-10 COIFAIR.
Ayon kay He Zhenwei, ang pagdaraos ng dalawang naturang kaganapan ay natataon sa ika-5 anibersaryo ng Belt and Road Initiative (BRI) na ideya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at ika-40 anibersaryo ng pagbubukas sa labas ng Tsina.
Sinabi pa ni He, sasamantalahin ng COIFAIR ang tamang pagkakataon upang makagawa ng komersyal na oportunidad, na nakapokus sa layunin ng mataas na kalidad na pag-unlad, pagpapalalim ng kooperasyon sa international capacity, upang makapagdulot ng bagong koneksyon para sa pandaigdigang negosyo at maglagay ng bagong buhay sa prosperidad ng pandaigdigang ekonomiya.
Samantala, sa kauna-unahang pagkakaton, ang pamahalaan ng Lunsod ng Liupanshui sa Lalawigang Guizhou ay lalahok sa Ika-10 COIFAIR bilang partner, aniya pa.
Ipakikilala nila ang kanilang bagong uri ng negosyo at kakayahang tulad ng big data, na nagpapakita ng karakteristikong pang-ekonomiya at pag-unlad sa inobasyon; pagho-host ng mga espisipikong porum; at pagtatayo ng plataporma para sa investment promotion at attraction, dagdag ni He.
Sa ilalim ng temang "Explore New Approaches to Overseas Investment and Drive Global Economic Growth," ilulunsad aniya ng Ika-10 COIFAIR ang maraming nilalamang tulad ng high-level dialogue; investment forum; capacity promotion at project matching; pagtitipon ng mga domestiko at dayuhang entidad, may-kaugnayang departamento ng pamahalaan, internasyonal na organisasyon, eksperto at iskolar.
Sila'y magpupulong at magpapalitan ng pananaw tungo sa mas mahigpit at mabuting kooperasyon at pagkakaibigan, sabi pa niya.
Glenn G. Penaranda
He Zhenwei
Reekon ng Tuole Forum
Presentasyon hinggil sa Tuole Forum
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |