|
||||||||
|
||
0180524HiASEAN.mp3
|
Sa mga susunod na buwan ay mapapanood na sa Tsina ang dokyu na pinamagatang "Hi ASEAN," at sa pamamagitan nito, maipapakita at maipagmamalaki ng Pilipinas sa mga kaibigang Tsino ang magagandang tanawin ng bansa na gaya ng Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue, kaakit-akit na mga dalampasigan at ilog, walang kaparis na ospitalidad ng mga Pilipino at marami pang iba.
At siyempre, bukod sa Pilipinas, maipapakita rin ng iba pang mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang kanilang mga natatanging tanawin at kultura.
Sa ilalim ng magkasamang pagtataguyod ng ASEAN China Center (ACC) at Beijing Television (BTV), ang nasabing dokyu ay inilunsad kamakailan sa himpilan ng BTV sa Beijing. Layon nitong ipakilala at i-promote sa mga kaibigang Tsino ang rehiyon ng ASEAN bilang destinasyong panturista.
Ang taong ito ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng ASEAN at Tsina, at isa sa mga nakikitang pangunahing larangan para sa pagpapa-unlad ng kooperasyon ay turismo.
Samantala, ang Tsina ay ang pinakamalaking pinanggagalingan ng mga turista ng ASEAN, at noong nakaraang taon, umabot sa 49 milyong person-time ang mga naitalang biyahe ACC.
Sa kabilang dako, nasa 28 milyon ang mga Tsinong bumisita sa ASEAN noong nakaraang taon, samantalang 21 milyon naman ang mga taga-ASEAN na nagtungo sa Tsina sa parehong panahon.
Sa pagpapalabas ng anim na bahaging dokyu na "Hi ASEAN" sa BTV sa malapit na hinaharap, inaasahang tataas pa ang mga bilang na ito. Ayon sa BTV 100 milyong manonood na Tsino ang inaasahang makakapanood ng naturang dokyu.
Mga kaibigan nagkaroon po ng pagkakataon ang inyong lingkod na makadalo sa nasabing paglulunsad ng Hi ASEAN Documentary, at doon ay nagtalumpati si Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina.
Gusto ipakilala ng embahador sa mga kaibigang Tsino, na ang 10 bansa ng ASEAN ay mayroong dibersidad, mayroong pagkakaiba, at maaaring maranasan dito ang maraming uri ng kultura, kasaysayan, at pagkaian; kaya, aniya, ang pagbisita ng mga kaibigang Tsino sa ASEAN ay magiging kaaya-aya.
Maliban kay Embahador Sta. Romana, dumalo rin po ang ibat-ibang diplomata mula sa mga bansang ASEAN, opisyal ng pamahalaang Tsino, opisyal ng BTV at iba pang personahe mula sa media.
Sa kanyang hiwalay na talumpati, ipinahayag ni Ms Kong Roatlomang, Direktor ng Education, Culture at Tourism Division ng ACC, na ang taong 2017 ay itinalaga ng ASEAN at Tsina bilang taon ng "tourism cooperation," kung saan, nagkasundo ang magkabilang panig na i-enkorahe ang mas malakas na pagpapalitan sa daloy ng mga turista.
Sinabi pa ni Kong na, pinipili ng parami nang paraming turistang Tsino ang ASEAN bilang kanilang destinasyon sa pagbabakasyon.
"The beautiful scenery, splendid culture, diverse ethnic customs, delicious food and convenient transportation are the main reasons why Chinese tourists love ASEAN," dagdag ni Kong.
Ayon naman kay Ms. Qin Lei, Punong Direktor ng nasabing dokyu, na ang kanyang crew ay nag-film sa mahigit 150 lokasyon sa 10 bansang ASEAN sa huling 10 buwan ng 2017. .
Aniya, nalikom ng kanyang grupo ang mahigit 36,000 minuto ng footage, na kinabibilangan ng panorama ng mga iconic na lugar na gaya ng Hagdan-hagdang Palayan sa Banaue, Templo ng Bagan sa Myanmar, at Gardens by the Bay sa Singapore. Mayroon din aniya silang mga footage tungkol sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan.
"This is not a traditional travel documentary; we hope to bring to people the different cultures, values, thinking and ways of life of the people of ASEAN," ani Qin.
Embahador Jose Santiago Sta. Romana
Mga dekorasyon sa bulwagan ng pagtitipon
Mga opisyal at dumalo sa pagtitipon
Ms. Kong Roatlomang
Ms. Qin Lei
Pagtatanghal
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |