|
||||||||
|
||
Dating Pangulong Aquino, 'di dadalo sa ikatlong SONA ni Pangulong Duterte
HINDI dadalo si dating Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Lunes, ika-23 ng Hulyo. Ayon sa Inter-Parliamentary Relations and Special Affairs Bureau, hindi dadalo si dating Pangulong Aquino sa okasyon.
Ito ang ikatlong pagkakataong hindi dadalo ang dating pangulo sa SONA ng humalili sa kanya. Samantala, hindi naman pinapansin o pinahahalagahan ng Palasyo ang 'di pagdalo ng dating pangulo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na iginagalang umano nila ang desisyon ng dating pangulo. Nabanggit na ni Atty. Cesar Strait Pareja, House Secretary General na naipadala na ang mga paanyaya sa kasalukuyan at dating mga ehekutibo ng pamahalaan.
Dadalo sina daring Pangulong Fidel V. Ramos at Joseph Estrada na ngayon ay City Mayor ng Maynila.
Dadalo rin sina dating Senate President Juan Ponce Enrile at Aquilino Q. Pimentel III at Manuel Villar. Dadalo din si dating Speaker Jose de Venecia. Kumpirmado ring darating si Vice President Leni Rodredo. Inihanda na rin ang holding area para sa pangalawang pangulo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |