|
||||||||
|
||
Ambassador Zhao Jianhua nagsabing mahalaga ang pagtutulungan at pagkakaibigan
GROUNDBREAKING PARA SA DALAWANG TULAY NA KALOOB NG TSINA NAGANAP NA. Makikita sina Pangulong Rodrigo Duterte (pangatlo mula sa kanan( at Chinese Ambassador to the Philipppines Zhao Jianhua (pangalawa mula sa kanan) sa groundbreaking rites sa Plaza Maestranza, Intramuros, Manila kanina sa gitna ng napakalakas na ulan. (Malacanang Photo)
PINASALAMATAN ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua si Pangulong Duterte sa panahong inilaan sa pagsisimula ng pagtatayo ng dalawang tulay na tatawid sa Ilog Pasig.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Ambassador Zhao na mula ng malagdaan ang kasunduan sa pagdalaw ni Chinese Premier Li Keqiang sa Pilipinas noong nakaliipas na Nobyembre, nagtulungan na ang magkabilang-panig hinggil sa mga proyektong sisimulan ngayon.
Pinasalamatan din niya ang Chinese contractor na China Road and Bridge Corporation sa pangangako nitong magiging maganda ang dalawang proyekto.
Ani Ambassador Zhao, ang dalawang tulay na ito ay bahagi lamang ng talaan ng mga nakalaan para sa Pilipinas. Noong Enero, dalawang Treatment and Rehabilitation Centers sa Mindanao na suportado ng Tsina ang sinimulang itayo. Higit lamang sa isang buwan, nasimulan na rin ang Chico River Pump Irrigation Project na tinustusan ng Chinese soft loan. Marami pang nakalaang mga proyekto tulad ng Kaliwa Dam, PNR South Long-Haul Railway, ang Subic-Clark Railway, Mindanao river flood control project at iba pa.
Pinag-aaralang mabuti ng Tsina ang soft loans para sa lima pang tulay na tatawid sa Pasig River. Gagawin umano nila ang lahat upang matiyak ang mataas na uri ng proyekto.
Matagal nang magkakaibigan ang Tsina at Pilipinas. Higit na sumigla ang relasyon sa ilalim nina Pangulong Duterte at Pangulong Xi Jinping. Isa umano ang Pilipinas sa pinahahalagahan ng Tsina sa mga kalahok at makikinabang sa Belt and Road Initiative.
Dumalo si Pangulong Duterte sa Belt and Road Forum for International Cooperation sa Beijing at pinasasalamatan ng Tsina ang Pilipinas sa pagpapatotoo sa 21st Century Maritime Silk Road.
Makikita sa relasyon ng Pilipinas at Tsina ang pagkakaroon ng policy coordination, infrastructure connectivity, ang tuloy na kalakalan, financial integration at people-to-people bond.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |