|
||||||||
|
||
Mga manggagawang problemado sa United Arab Emirates, nakauwi na
MAY 100 MANGGAGAWA, NAKAUWI NA MULA SA UAE. Nakarating na sa bansa ang bahagi ng 277 mga Filipinong nabigyan ng amnesty ng United Arab Emirates. Tinutulungan na sila ng mga opisyal ng Office of Migrant Workers Affairs ng DFA at ng Overseas Workers Welfare Administration, isang tanggapan sa ilalim ng Department of Labor and Employment. (Melo M. Acuna)
DUMATING kaninang ikawalo't kalahati ng umaga ang may 100 mga manggagawang nabigyan ng amnesty ng United Arab Emirates.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, tinutulungan na sila ng mga kawani ng Office of Migrant Workers Affairs at ng Overseas Workers Welfare Administration.
Kabilang sa mga nakauwi ang anim na menor de edad. Ayon kay Consul General Paul Raymond Cortes ng Konsulado ng Pilipinas sa Abu Dhabi, ang 100 nakauwi ay bahagi ng 277 kataong nakapasa ang mga dokumento para sa amnesty program.
Sinamahan sila ni Deputy Consul General Renato Duenas, jr.
Samantala, tuloy pa rin ang pagunita ng Department of Foreign Affairs sa mga Filipino na sumailalim na lamang sa coluntary repatriation sapagkat magtatapos na ang amnesty sa ika-31 ng Agosto sa Malaysia.
Mayroong kampanya ang pamahalaang Malaysia sa mga walang dokumentong mga banyaga sa bansa. Pinaniniwalaang mayroong 400,000 mga walang dokumentong Filipino sa Sabah at maging sa Kuala Lumpur at mga kalapit pook.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |