Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sarado pa ang NAIA Runway 06/24

(GMT+08:00) 2018-08-17 18:15:54       CRI

Pilipinas at Nigeria, higit na magtutulungan

HIGIT na paghuhusayin ng Pilipinas at Nigeria ang pagtutulungan sa larangan ng ekonomiya, aquaculture at maging sa larangan ng drug trafficking. Ito ang kinalabasan ng Third Joint Commission Meeting na natapos noong Miyerkoles, ika-15 ng Agosto sa pulong na ginanap sa Conrad Hotel, sa Pasay City.

Sa natapos na konsultasyon, nagkasundo ang magkabilang panig na palakasin ang mekanismo sa larangan ng ekonomiya at maging sa technical, cultural at educational cooperation. Pinagusapan din ang mga panukala upang payabungin ang pagtutulungan sa agriculture, aquaculture, trade, tourism at youth development.

Pilipinas at Nigeria nagkasundong palalimin pa ang relasyon.  Makikita sina Foreign Affairs Undersecretary Enrique Manalo (kaliwa) at Nigerian Foreign Affairs Permanent Secretary Olukunle Bamgbose bago nagsimula ang Joint Consultative Meeting sa Maynila.  (DFA Photo)

Makikipagtulungan ang Pilipinas upang masugpo ang transnational crime lalo na sa anti-drug trafficking. Magkakaroon din ng mga kasunduan sa aquaculture upang matugunan ang mga isyu ng food security.

Ito ang sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Policy at Philippine head of delegation Enrique Manalo at sa panig ng Nigeria, isusulong nito ang pagpapalitan ng pagdalaw ng mga mangangalakal upang mapasigla ang kasalukuyang trade at investment relations. Nais din nilang magkaroon ng partnership sa larangan ng edukasyon para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>