|
||||||||
|
||
20180828 Melo Acuna
|
NAGSAMA-SAMA ang mga aktibista at pamilya ng walong biktima ng kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga ang nagreklamo sa International Criminal Court sa sinasabing mga krimen laban sa sangkatauhan.
Umabot sa 50 pahina ang reklamong nananawagan sa pagbasa ng sakdal kay Pangulong Duterte sa sinasabing libu-libong mga pagpatay na tinaguriang Extra Judicial Killings na ginawa ng walang pananagutang mga alagad ng batas.
Ang anim na kamag-anak ng walong biktima at mga relihiyoso na kilala sa pangalang Rise Up for Life and For Rights ay tinulungan ng mga abogadong mula sa National Union of People's Lawyers.
Ang petisyong dinala sa ICC, na kinikilalang komunikasyon, ay kasunod ng reklamong mula kay Atty. Jude Sabio noong Abril ng 2017 at siniyasat na rin noong nakalipas na Pebrero ng 2018.
Ayon kay Atty. Neri Colmenares, 'di tulad ng naunang reklamo, ang ikalawang sumbong ay mula mismo sa mga kamag-anak ng mga biktima. Idinagdag pa ni Atty. Colmenares na nararapat lamang managot si G. Duterte.
Sinabi ni Atty. Colmenadres na ang reklamo ay suportado ng mga ebidensya kabilang mismo ang Memorandum Circular ng Philippine National Police na nagsasaad ng OPlan Double Barrel.
Napapaloob umano sa kautusan na malayang makapapatay ang mga pulis ng mga pinaghihinalaang drug suspect.
Ayon kay Atty. Kristina Conti, talagang kautusan ng pangulo sa pamamgitan ng mga katagang "Pursue the neutralization of illegal drug personalities."
Naghihintay na lamang sina Atty. Conti ng tugon ng ICC sa kanilang reklamo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |